My MIBF Experience
By Jon Salazar
I have always gone to the Manila International Book Fair for five years now. This is because we were
asked to go there by our superiors and we roam around for just a couple of hours to “look out for the latest book releases and developments in book publishing” (the other phrase for checking out the competition).
This year, I thought of doing something different and see the book fair in a different light. So I volunteered again for Read or Die, a group of individuals who love reading and promote it with such fervor. The organizers of the book fair wanted to make the book fair a literary event and not just a venue to sell books. I think it was a great idea so I agreed to give my time for them.
I can say I appreciated the event even more. It was also good to see that there are still a lot of young people out there who are fond of reading. The event used to be filled only by adults or with very young kids that tagged along with them. I think the efforts by these year’s organizers and their partners (especially Read or Die) to make the event reach out to young people was a success.
What really caught my attention this year was the Wikipinas and filipiniana.net and their efforts. Most publishers will not dare to think about paperless publishing or the idea of online publishing but here’s a book publisher who is looking ahead to the future.
My relatives also attended the last day. My sister joined the literary cosplay event (she dressed up as Death from “The Sandman” by Neil Gaiman). Here are some of the images she got: Click for pictures.
Talaarawan ukol sa nakaraang 28th Manila Book Fair
Written by Airnel
Noong nakaraang Sabado at Linggo ay naglingkod ako para sa Read or Die sa 2th International Book Fair. Isa na namang karanasan ang nangyari sa akin.
Sadyang sakit ko na ang pagdating sa dako ng sobrang aga na halos 2 oras bago magbukas ang world trade center ay andoon na ako. Pero kailangan kong gawin iyon dahil malayo ang panggagalingan ko. Di kasi natin batid kung maging buhol-buhol ang trapiko galing Laguna? Ayaw ko namang mapahiya sa mga taga-ROD.
Una akong nakatalaga sa lalagyan ng mga donasyon ng Aklat. Halos 2 oras akong paikot-ikot ba binabantayan ang lalagyan ngunit tila yata mailap ang kapalaran at ni wala pang isang nag-bibigay ng kanilang lumang aklat. Maya-maya ay tinawag ako ng aking “Hepe” upang tumulog sa WikiPinas; sa paggabay sa mga nais mag-ambag ng datos sa bagong kapapasinayang website. Ginawa ko ito hanggang sa ika-walo ng Gabi.
Nagpapasalamat ako sa isang kasapi ng “haligi” ng ROD at pinaunlakan nya akong pansamantalang makapagpahinga sa kanyang tahanan. Sabagay sino nga ba naman ang magnanais na umuwi ako sa lalawigan at babalik din ako kinabukasan. Di naman ako mayaman.
Linggo. Ikalawang araw ng aking pagtulong at huling araw ng Book Fair. Itinalaga ako sa pag-alalay sa mga panauhin at tagpagsalita sa “Ang Bagong Libro” Nasiyahan naman ako at nakilala ko ang isa sa may-akda ng Pocketbook. Malaki ang utang na loob ko sa komiks at pocketbook dahil diyan ako natutong bumasa at di sa nakasayang Abakada.
Isa ring nakapukaw ng aking kasiyahan ay ang pag-alalay sa isang tanyag na makata na si Conchitina Cruz. Isang pambihirang pagkakataon na samahan patungo sa tanghalan ang isang makatang tinitingala sa kasalukuyang panahon.
Mga ika-4 ng hapon ay intinalaga naman ako mismo sa bulwagan titik “B” at dito nakapagtanong ako sa mga dalubhasa sa pagsusuri, pagsasalaysay at pagbabasa sa panitikan tungkol sa mabisang pamamaraan ng paglalapat ng pagbabasa sa pagtuturo ng Kasaysayan. Nakakuha ako ng ilang mabisang mungkahi na mabisa kung gagamitin ko sa paaralan.
Bago matapos ang palatuntunan ay nagsagawa ng patimpalak sa larong-bihis (Cosplay; tama ba aking pagsasaling-wika?) at nakita ko kung gaano kamalikhain ang mga kalahok sa pagsasadula sa napili nilang tauhan sa iba’t ibang anyo ng panitikan. Ngunit napansin ko na pawang mga tauhan lamang sa dayuhang akda ang naisasadula. May pagkakataon bang magkaroon din ng larong-bihis sa panitikang Filipino?
Isa sa pinakanakakapagod na bahagi ay ang pag-aayos ng kagamitan. Habang inaayos ko ito ay nakita ko ang mga likhang-sining ng isang kasapi ng ROD. Siya ay tila bihasa sa paggawa ng limbag (prints) at tigib ng pagkamalikhain, rikit at malalim na pananaw ang kanyang mga gawa. Matapos noon, batid ko na ang mga “haligi” ng ROD ay pagod na kaya marapat lamang sila ay tulungan. Sa awa ng diyos ay nailigpit namin ang kanilang kagamitan.
Nabanaag ko sa mukha ni “El Capitana” ang pagod kasama ng kanyang mga alagad ang pagod. Tunay nga ipinakita nila ang pagmamahal sa pagbabasa at panitikan.
Di na ako ang iisa sa maraming kusang-loob na tumulong sa ROD na umaasang mauulit ang ganitong gawain. Di ko alam ngunit masarap ang pakiramdam. Kahit minsan di ko masakyan ang kanilang mga hilig dahil sa pagkakaiba ng aming mga larangan. Nahinuha ko na ang ROD ay isang samahang naniniwala sa tunay na diwa ng pagpapalaganap ng pagbabasa at pagpapayaman ng panitikan.
Muli salamat at mabuhay ang ROD!!!
Anniversary Sale of the Ateneo de Manila University Press
We are pleased to announce the Ateneo Press’s annual booksale from June 18 to 29 at the Ateneo Press bookshop in Bellarmine Hall, Ateneo Campus, Katipunan Ave., Loyola Heights, Quezon City. All its titles will be sold at less 10 to 50 percent.
Sale hours are from 8 am to 12 noon, 1 to 6 pm (Monday to Thursday, and till 5 pm Friday). Reservations for copies and requests for a price list may be made also be found at the Ateneo Press website.
As always, coffee and cookies come free with browsing. Happy bookshopping!

